Nakita ko ang bidyo na ito sa aking FB Feed, at sa tangin ko, kahit na limang taon na ang lumipas nang lumabas ang bidyo na ito, naaayon pa rin ito sa kung ano nangyayari ngayon sa Pilipinas.
Alam Kong magkakaiba tayo ng sinusuportahan, pero pare-pareho tayo ng gusto mangyari para sa ating bansa:
Ang makita Kung saan napupunta ang buwis na ating binabayaran,
Ang magkaroon ng suporta mula sa gobyerno sa panahon ng kalamidad,
Ang mamuhay ng kumportable sa sariling bayan.
Bakit pati mga sinusuportahan natin, tatanungin natin nito? Diba dapat yung mga kurakot o kontra partida?
Dapat silang lahat na nasa posisyon ay tanungin natin. Dahil minsan, hindi taong bayan ang kanilang pinakikingan kundi kanilang kapwa kaalyado o kung sino man ang may hawak ng budget. Lahat sila may isinusulong, ang tanong, para ba sa ka kapakanan ng taong bayan? O para makuha ang suporta para sa susunod na botohan?
May problema o "loophole" ang ipinasang batas? Ipaliwanag sa paraang maiintidihan ng taong bayan.
Di sang-ayon sa batas o patakaran ng kontra partido? Basahin at intindihin bago kontrahin, hindi puro dada. Konstruktibong puna dapat, hindi opinyong mapanghusga sa buhay personal.
No comments:
Post a Comment